Noong ako ay isa pa lamang bata. Maraming haka-haka na ang bahaghari nga raw ang dulo ay punk ng biyaya.
Sabi ng mga matatandang mapamanhiin, ang dulo raw ng bahaghari pag iyong makita ay sigiradong yayaman ka. Sapagkat ang dulo daw nito pag iyong tinunton ay may isang gintong palayok na may lamang punk ng gintong barya at yamang kung ano-ano pa.
Kaya naman akala ko na ito ay totoo. Pinilit kong hanapin ang bawat dulo ng bahagharing nakikita ko. Ngunit kahit minsan ay wala akong nakita. Kahit anong hanap wala oh wala.
At nang sumapit ako sa paaralan, doon ko nalaman ang katotohanan. Na hindi pala tunay ang mga haka-haka na sa dulo ng bahaghari makikita ang kayamanan na magwawakas sa hirap ng mga dukha.
Ito pala ay nabuo dahil sa patak ng ulan at saka tinamaan ng sinag ng araw naman. Kaya naman pala saka ko lang nakikita ang bahaghari kung tapos na nga na umulan at sumikat na ang magandang araw.
Ito pala ay repleksyon lamang at walang kayamanan. Na ang bahaghari pala ay hudyat na tapos na ang ulan at ang araw ay sisiskat upang magbigay ng kinang.
Ngunit kahit walang ginto sa dulo ng bahaghari. Ako parin ay maligaya kung makita ko itong muli.
Kay-sarap pagmasdan ang makulay na kalangitan, na may kaligayahang dulot sa puso ng bawat nilalang.
Kung iyong tititigan ang bahaghari ay nagbibigay ng pag-asa at sa bawat isa ay nagpapasaya.
Ito sa akin ay tunay na nagpapasaya. Hindi ko na kakailanganin pang makita ang kayamanan sa dulo nito. Sapat na sa akin ang kaligayahang dulot nito sa aking puso. At ang pag-asa sa buhay na dulot ng bawat nitong kulay.
Salamat sa Diyos na magbigay kulay sa bawat buhay ng bawat nilalang. Talaga namang tunay na tunay na ang kaniyang kapangyarihan ay walang kapantay upang makalikha ng napakagandang obra-maestra na tulad ng bahaghari dito sa ibabaw ng lupa.
-Ang wakas-
-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang magsadya sa link na ito : Learn World Lessons -
-Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal-
No comments:
Post a Comment