Ang talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal - Learning Lessons

Breaking

Tuesday, May 24, 2022

Ang talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

 Si Dr. Jose P. Rizal ay ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Si Rizal at nabuhay mula 1861 hanggang 1896. Ginamit ni Rizal ang kanyang talino upang buksan ang isip ng mga mamamayang pilipino upang sila at makalaya sa matagal na panahon ng pananakop ng mga kastila sa bansang Pilipinas. Binuksan at ginising ni Rizal ang natutulog na puso at isip ng mga Pilipino upang matuto sila na lumaban sa katiwalian at panananakop ng mga kastila. Hindi din natakot si Rizal na ipahayag at manindigan sa kung ano ang nalalaman nya na tama kahit ito pa man ay kanyang ikapahamak at ikamatay kaya naman kahanga - hanga ang pinamalas na paglaban ni Rizal na di niya kinailangang humawak ng nakamamatay na sandata kundi ang kanyang sandata ay nakakabuhay ng puso at kaluluwa at ito ay walang iba kundi ang kanyang papel at panulat na kanyang nilakipan ng marubdob na pag - ibig sa bayan at sa kalayaan. Kaya naman marapat lamang na sya ay igalang at hangaan



Si Dr. Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861

Si Dr. Jose P. Rizal ay isa sa mga bunga ng mabuti at mabungang pagsasama ng magkabiyak na Don Francisco Mercado Rizal na tubong Biñan Laguna at Sonya Teodora Alonso Realonda na nagmula naman sa Maynila. 

Ayon sa mga nakakaalam ng pinagmulan ng kanilang angkan, ang ninuno ng kanyang ama ay si Domingo Lamco, isang dayuhang intsik na nagmula sa distrito ng Chinchew, Fookien, Tsina. At maging ang ama naman ng kanyang ina na si Don Lorenzo Alonso ay sinasabing may lahi din na intsik.

Bilang pagsunod sa batas na pinairal ni Gobernador - Heneral Claveria patungkol sa mga apelyido noong 1849, ang mga Alonso ay nagdagdag ng Reolanda at ang mga Mercado naman ay pinili ang Rizal na nangangahulugang "mula sa bigas o palay" o "ng luntiang kabukiran".

Labing isa ang lahat ng ibinunga ng pagsasama nina Don Francisco at Donya Teodora. Ang mga ito ay Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Conception, Josefa, Trinidad at Soledad. 

Si Don Francisco at isa sa mga namumuwisan sa lupain o asyenda ng mga Dominiko sa Calamba. Bago pa man isinilang si Jose ay nakapagtayo na ng isang malaki at matibay at marangyang bahay sa bayang iyon ang kanyang ama. At ito ang masasabing pinaka marangya at pinakamalaki at pinaka matibay na bahay sa bayan na iyon.

Noong hunyo 22, 1861, si Jose ay bininyagan ni padre Rufino Collantes sa bayan ding ito, at si Pari Pedro Casañas ang kanyang tumayong ninong.

Ang kanyang ina ang nagturo sa kanya na bumasa ng ABAKADA at ang pagpapahalaga sa tulang kastila sa edad na tatlong taong gulang bagamat hindi pa sya bihasa sa wikang kastila sa mga panahon na iyon. 

Isa naman sa mga tito ni Jose ang sumubaybay sa paglinang sa kanyang kakayahang pangkaisipan. Ang kanya namang tito na si Gregorio ang syang nagmulat Kay Jose tungkol sa pagpapahalaga sa paggawa, pagbibigay - kahulugan sa kinuha sa mga nakikita at naganap rito. Ang kaniya namang tiyo Manuel ay isang mabulas na tao at tinulungan sya upang maging malusog ang pangangatawan. 

Payat at sakitin si Rizal noong siya ay bata pa at si Rizal ay nahilig din sa pangangabayo, pag - ukit, paghubog sa pamamagitan ng putik at pagpapakitang kakayahan sa paggamit ng bilis ng mga kamay sa paghawak at pagpapagalaw ng mga bagay. Si Pari Leoncio Lopez naman ang nagtimo sa kanyang pagkatao ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa karapatan ng iba sa lahat ng pagkakataon.

Si Rizal ay siyam na taong gulang nang siya ay pinadala sa Biñan upang mag - aral sa pangangalaga ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.

Ngunit makaraan ang ilang mga buwan sa pag - aaral Ni Rizal ay sinabi ng kaniyang mga guro sa kanyang magulang na wala na silang maituturo pa sa kanya sapagkat siya ay nangunguna hindi lamang sa kakayahang pang akademiko kundi pati sa mga paligsahang pampalakasan

1871, habang nakabakasyon si Jose ay naghanda ang kanyang mga kaanak na siya at pag - aralin sa Maynila. Dinala sya ng kanyang kapatid na si Paciano sa Maynila si at nagpatala sa Ateneo de Manila bagaman tutol ang kanyang ina

Nalinang ng husto ang kakayahan ni Rizal sa Ateneo de Manila; palibhasa ay pantay ang pagtingin ng mga hesuwita sa mga mag - aaral na Pilipino at Kastila

Nataas kaagad ang katayuan ni Rizal sa loob ng isang linggo at makaraan ang isang buwan ay ginawa na syang " emperador " sapagkat tinalo niya ang kanyang mga kamag - aral

Puspusan ding binasa ni Jose ang Konde ng Monte Cristo ni Dumas at Universal History ni Cantu. Umukit din si Jose Rizal ng imahen ng Mahal na Puso ni Jesus.

Dahil sa mga pagsisikap at mga dedikasyon na ipinapakita ni Rizal ay nadama ng mga pari ang kanyang paninindigan sa pananampalataya, kaugalian at pagpapaunlad sa sarili kaya naman buong puso siyang tinanggap na maging kasapi ng Kongregasyon ni Maria

Limang taon na nag - aral si Rizal sa Ateneo. Noong Marso 14, 1877, si Rizal ay nagtapos na may diplomang Bachilles en Artes. 

Nang nasa Ateneo sya kanyang isinulat ang Felicitacion, Por La Educacion Recibe Lustre, LA Patria, Un Recuerdo A mi Pueblo at El Heroismo de Colon

Taong 1878, nagpatala si Rizal sa UST sa kursong Medisina bagamat tapos na sya ng pagka - agrimensor.
Ang pag - aaral Ni Jose Rizal sa Santo Tomas ay Hindi naging kasiya - siya sapagkat ang mga guro doon ay may kinikilingan, may takda ang pagtuturo at kulang sa malasakit ang pangasiwaan sa ikatututo ng mga estudyante.

Nagkamit ng unang gantimpala si Rizal sa paligsahang pampanitikan na Liceo Literario - Artitico ang tula niyang To The Filipino Youth ( A La Juventud Filipina )

Ang kanyang tula naman na The Council of God's ay nagtamo ng pinakamataas na pagpapahalaga sa pagdiriwang ng ika - 263 anibersaryo ng kamatayan ni Cervantes. Ang nakamit nyang gantimpala dito ay ibibigay ng lupon na Inampalan ng isang Kastila sa kabila ng panunuligsa ng pamamahayag at ang kanyang Beside the Pasig ay nagkamit din ng mataas na pagpapahalaga. 

Minsan habang siya ay nasa bakasyon Calamba ay sinaktan sya ng isang Tenyente Porta ng mga sibil sa kadahilanang hindi sya nakapagbigay - galang ng husto, at kahit pa man siya ay nagreklamo ay walang narating ito sapagkat ang akusado ay isang kastila. At ang mga pangyayaring ito ang tuluyang nagbunsod sa kanya na upang ipagpatuloy ang kanyang pag - aaral sa ibang bansa

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang na lihim syang nakakuha ng tiket sa barkong SS Salvadora na papuntang Espanya at ito ay naisakatuparan sa tulong ng kanyang kaibigan na si Chenggoy ( Jose Cecilio ) at ng iba pa nilang kamag - anak

Ang mga naging guro naman niya sa Ateneo ay nalaman ang kaniyang pag - alis sapagkat ito ay kaniyang ihiningi ng payo sa Manila

Taglay ang maraming sulat - tagubilin sa mga kilalang tao sa Madrid. Si Paciano naman ang naghatid sa kanya sa Maynila ng 356 pesos upang kanyang baunin 

Nang makarating si Rizal sa Singapore ay muli syang lumulan sa isang barkong Pranses, Djemnah patungong Europa 

Inabot ng isang buwan at Kalahati ang kanyang naging paglalakbay upang kanyang marating ang Madrid at nagustuhan nya ang liberal na kapaligiran doon

Sa Universidad Central de  Madrid ay nagpatala si Rizal sa kursong Medisina, Filisofia y Letras

Nagtutungo naman si Rizal sa Escuela de San Fernando tuwing siya ay may pagkakataon at kumukuha ng kurso sa sining

Bumili naman sya ng maraming aklat sapagkat ang pagbabasa ang kanyang ipinanggagamot niya sa kanyang sarili sa kanyang pangungulila sa kanyang mga mahal sa buhay

Ito rin ang nagtulak sa kanya upang isulat ang You Ask Me For Verses

Upang makalapit sa mga mag - aaral na Pilipino at kastila, si Rizal ay sumapi rin sa El Circulo Hispano / Filipino

Sa kanyang tulang El Amor Patria ay kaniyang ibinulalas ang kanyang masidhing pag - ibig sa bayan

Ang paglalathala naman niya sa LA Solidaridad ng sanaysay na The Indolence of the Filipinas naman ang nagbigay kasagutan sa mga paratang ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay pawang mga tamad at walang sikap

Malinaw na pinangatwiranan ni Rizal 
ang sinasabing kapintasang ito at inilahad ang mga kadahilanan tulad ng klima, pangungurakot ng mga dayuhan sa pinaghirapan ng mga mamamayan, kawalan ng insentibong magsikap sila at ang walang habas na pagtaas ng buwis.

Ang kanyang mga akdang Ingratitude, Without a name, The Philippines in the Spanish Cortes at The Philippines A Century Hence ay nailathala din sa naturang pahayagan

Hunyo 25, 1884 ay nagwagi sa isang timpalak - pansining sina Luna at Hidalgo na ipinagdiwang naman sa isang English restaurant. Dito ay binigkas ni Rizal ang talumpati na pangaral sa mga nagwagi, sinambit niya na sina Juan Luna at Felix Hidalgo ay mga tunay na karangalan sa kanilang bansa. Binigkas nya na ang kanilang kakayahan ay yaman ng lahat at ito ay kaloob ng langit upang dumakila at dakilain

Taong 1884 nang si Rizal ay ganap na naging lisensyado sa Medisina at noon namang Hunyo 19, 1865 ay nagging lisensyado sya sa Fiilisofia Y Letras, at sa panahong ito niya sinimulan ang Noli Me Tangere



Ngunit sa kanyang kagustuhang mapalawak pa ang kanyang kaalaman sa panggagamot ay nagtungo sya sa Paris, Pransiya at pumasok na katulong sa klinika Ni Dr. Louis de Wreeker ( si Wreeker ay isang espesyalistang optalmologo )

1886 naman ng siya ay nasa Heidelberg, Alemanya na kung saan ay nakalapit nya sina Dr. Otto Becker at Dr. Hans Mever. 

Si Rizal ay dumalo rin sa mga panayam patungkol sa sikolohiya at kasaysayan sa Unibersidad ng Heidelberg

Sa Leipzig niya isinalin sa Tagalog ang William Tell  ni Schilles

 Ang may - akda naman ng Travels in The Philippines na si Dr. Feodor Jagor naman ay kanyang nakaibigan sa Berlin

Nang mga panahong ipalilimbag na ni Rizal ang Noli Me Tangere ay nagipit sya sa pananalapi ngunit salamat sa kay Dr. Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng tatlong daang piso upang maipalimbag ang unang dalawang libong sipi nito. Binayaran din naman nya agad ito nang kanyang matanggap ang padala ng kanyang kapatid na si Paciano

Ang panghihina ng katawan ni Rizal ay napansin ni Dr. Maximo Viola kaya naman hinimok nya si Rizal upang maglibot sa Europa

Nakatagpo naman niya si Ferdinand Blumentritt sa Leitmeritz sa Australia Bohemia ( Czecoslovakia ) si Blumentritt ay isang propesor sa geografia sa Municipal Anthem, siya ay naging malapit na kaibigan ni Rizal

Sa loob lamang ng labing isang buwan ay naging bihasa na sa Aleman si Rizal

Ang kanyang akda na Noli Me Tangere ay lumaganap sa Europa ngunit ito naman ay ipinagbawal sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng pagbabawal na ito ay maipalaganap sa Pilipinas ay may mga naipuslit parin na mga sipi nito kaya naman nagkaroon parin nito ang ilang mayayamang tao sa Pilipinas

Nang dahil sa kanyang aklat ay inusig si Rizal kaya naman maraming nagpayo sa kanya na huwag umuwi sa Pilipinas pati na ang kanyang mga magulang ay hiniling sa kanya ang mga ganitong bagay ngunit nang mga panahon na iyon ay kailangan sya ng kanyang ina kaya naman hindi sya nagpapigil at Si Rizal ay umuwi parin.

Hulyo 23,1887 nang si Rizal ay sumakay sa SS Djemnah, dumaan sa Singapore at siya naman ay lumipat sa SS Haiphong. Si Rizal ay dumating sa Maynila noong Agosto 5, 1887

Matagumpay nyang inoperahan ang mata ng kanyang ina. Ang ilang mga kababayan ay kanya ring ginamot at dahil sa Aleman siya nag - aral siya ay tinawag na Doktor Aleman 

Nagbukas si Rizal ng isang gymnasium upang matulungan ang mga kababayan na makaiwas sa sugal at bisyo. Dito ay binigyang buhay niya ang mga larong - bola at iba pa katulad ng sipa arnis at eskrima.

Nilibot naman niya ang ilang bukirin, bundok at tuktok ng bundok makiling upang magwagayway ng bandila ng Aleman

Nang dahil sa sumbong ng mga prayle tungkol sa aklat na Noli Me Tangere ay ipinatawag sa Malacañang si Rizal ni Gobernador Emilio Tarrero 

Matapang na hinarap ni Rizal ang mga pari at sinabi sa mga ito na inilantad lamang niya ang tunay na kalagayan ng bayan at ng mga mamamayang Katutubo sa kamay ng mga dayuhan

Liberal na tao naman si Terrero kaya naman binigyan nya ng bodyguard si Rizal ito ay si Jose Taviel de Andrade. Ngunit muli ay pinatawag sya sa Palasyo sa reklamo ng mga prayle na ang kanyang libro na Noli Me Tangere ay laban sa simbahan at ito ay nakakapinsala sa kaisipan ng mambabasa. Kaya naman pinayuhan ni Terrero na lisanin na lamang ni Rizal ang Pilipinas sapagkat alam nya na lalala lamang ang sitwasyon

Ika 3 ng Pebrero 1888, si Rizal ay bumalik sa Europa

Si Rizal ay naparaan sa Hongkong, Hapon, America at Inglatera 

Sa Tokyo ay inalok si Rizal na maging isang interpreter sa halagang 100.00 dolyar isang buwan na may kasama pang pagkain at iba pang pribelehiyo

Nais na sana itong tanggapin ni Rizal dangan din lamang at may iba pa syang mga balak

Doon ay kanyang nakilala si Sci - Keio na kilala din sa tawag na O Seisan, siya ay isang haponesang nagmula sa isang kilalang angkan. Ito ay naging matapat na gabay at interpreter ni Rizal

Ika 28 ng Pebrero 1888 sakay ng SS Belgic ay lumisan siya sa bansang Hapon at nagtungo sa San Francisco noong ika 18 ng Abril 1888 nanuluyan siya sa The Palace Hotel

Muli si Rizal ay sumakay ng tren at nagtungo sa Silangang Amerika. Dumaan sa Chicago at dumaan din sa Niagara Falls sa Lake Ontario. Sa Fifth Avenue Hotel naman sya tumuloy nang sya ay nasa New York

Ika 24 ng Mayo 1888 ay nasa Liverpool sya mga lamang araw bago sya tumungo sa Inglatera lulan ng SS City of Rome

Sa London naman ay nangasera sya sa pamilya Bousted sa 37 Chalcot Crescent Primrose

Nakadaupang - palad naman nya si Dr. Reinhold Rost ng London Library & Museum sa pamamagitan ni Ginoong Antonio Regidor

Sa London Library & Museum nabasa ni Rizal ang Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Morga. Ito ay isang aklat na ipinalimbag sa Mexico noong 1609, ang aklat na ito ay nagsasabing ang Pilipinas ay may sarili nang kabihasnan at kalinangan bago paman magsidating ang mga kastila sa aging kapuluan

Si Dr. Jose Rizal ay isang paham sa wika. Sya ay marunong sa salitang Kastila, Pranses, Aleman, Ingles, Griyego, Latin, at Tagalog. Nakakaunawa din naman si Rizal ng Ilokano, Bisaya, Ruso, Sanskrit, Arabic, Swiso - Hebreo, Malay, Hapon, Portuges at Italyano

Marso 1899, nagtungo si Rizal sa Paris at kanyang iminungkahi kay Propesor Ferdinand Blumentritt ang pagtatatag ng pandaigdig na Samahan ng Mga Mag - aaral ng kalipunan na ang magiging pangulo ay ang propesor ngunit ito ay Hindi nagkaroon ng katuparan

Nagtungo sya sa Belhika nang sumunod na taon ngunit ang kanyang naging g buhay ay gayun din. Muling nabalam ang paglilimbag ng El Filubusterismo nang dahil sa kanyang kakapusan ng salapi

Si Valentin Ventura naman na isang mayamang Filipino ang syang nagpahiram Kay Rizal ng perang kinakailangan upang maipalimbag ang El Filibusterismo

Naipalimbag ang aklat noong 1891 sa Gante, dito ay nakilala rin niya sina Jose Alejandrino, Teodoro Evangelista at Abreu na nagsisispag - aral sa University of Ghent

Nagbalik sya sa Paris ng malaunan, si Rizal ay sumakay sa Marscilles sa SS Melbourne patungong Hongkong ngunit kinapos sya ng pondo salamat na lamang sa isang mayang negosyante na kanyang kababayan na bumili ng kanyang ticket pauwi ito ay si Jose Ma. Basa


Pansamantala syang nanirahan sa Hongkong bilang pagsunod sa mga payo ng magulang at mga kaibigan. Ginamot nya ang kanyang propesyon na panggagamot para mabuhay at nang kalaunan ay ilang miembro na rin ng kanyang pamilya ang sumama sa kanya

Sa kanyang pananatili sa Hongkong ay naging kaibigan nya sina Dr. Lorenzo Pereyra, isang Portuges at si Ginoong Frazier - Smith, editor ng Hongkong Telegraph 

Si Rizal ay nagtangkang magtayo ng kolonya sa Borneo upang matulungan ang ilang mga tagalog - Calamba na pinalayas ng mga prayle

Sakay ng SS Memnon, siya ay nagtungo sa Hilagang Borneo sa tulong ng kanyang mga kaibigan 

Nais na sanang pumayag ng mga Ingles sa plano ni Rizal na 950 taong bubuwisan ang kolonya ngunit hindi pumayag si Gobernador Emilio Despujol

Iniwan ni Rizal ang Hongkong at bumalik sa Pilipinas dahil sa kanyang kagustuhang makatulong sa mga kababayan kahit na alam niya na kasawian ang naghihitay sa kanya

Ika 6 ng Hunyo 1892 si Rizal ay dinakip ang dahilan ng pagdakip ay ipinalathala ni Despujol sa Gazette at ang kopya naman nito ay ipinadala rin niya sa embahador ng Hongkong

Nag - ukol naman ng isang kolum ang Hongkong Telegraph upang ibalita ang malungkot na pangyayari sa pagkakakulong ni Rizal

Ika 15 ng Hulyo 1892 nang ipinatapon sa Dapitan si Rizal 

Hindi gumawa si Rizal ng anumang retraksiyon hinggil sa pagkakapasok sa Mansonerya kahit sa kabila ng pagpapayo ng mga Heswitang naging guro ni Rizal sa Ateneo kaya naman sumailalim sya sa pagbabantay ni Don Ricardo Garnicero ( ang militar na komamdante sa Dapitan )

Nakita ni Rizal ang mahigpit na pangangailangan ng mga taga - Dapitan habang siya ay nandoon kaya naman nagtayo sya ng maliit na klinika para sa lahat. Ang mga may kaya ay kanyang siningil ngunit libre naman ang mga wala. 

Nagbukas din sya ng isang maliit na paaralan na nagbibigay diin sa pagtuturo ng Agham, Ingles at Matematika. 

Si Rizal ay nagbigay din ng tulong sa mga pangangailangan ng mga tao roon sa tubig at elektrisidad 

Bumili rin si Rizal ng lupa sa Sitio Talisay na tinaniman ng niyog, tubo, cacao at iba pang namumungang mga puno

Mababakas ang matinding pangungulila ni Rizal sa kanyang tulang Mi Retiro 

Ang tatag naman ng kanyang kalooban ay nababakas sa kanyang tula na Hymn to Talisay Tree

Walang patid ang sulatan nila ni Ferdinand Blumentritt habang sya ay nasa Dapitan 

Lumikom din sya ng mga hayop at ito ay kanyang ipinadala sa Museo sa Dresden, Alemanya

Isang dalagang nagngangalang Irish ang dumating sa Dapitan kasama ang kanyang ama - amahang pangangailangan ng serbisyo ni Rizal sapagkat ito ay may diperensya sa mata isa itong enhinyero at nagngangalang George Tauffer



Ang dalaga namang si Josephine Bracken ay naging kabiyak ng kanyang puso 

Humiling si Rizal na maging Doktor ng mga sundalong Kastila sa Cuba na kasalukuyang nagkakasakit noon habang nakikipaghamok sa mga rebelde sa ilalim ni Jose Marti

Ika 31 ng Hulyo 1896, si Rizal ay naglakbay patungong Maynila ngunit nakaalis na ang barkong sasakyan nya patungong Cuba nang siya ay dumating sa lungsod 

Inilipat siya sa Castilla na nakadaong sa Cavite sapagkat siya ay itinuturing na tapon

Ang tulang The Song Of a Traveler ay kanyang nilikha habang siya ay naghihintay sa kanyang paglalakbay

Lulan ng Isla de Panay habang nakadaong sa Singapore at nagkakarga ng langis ang sasakyan, si Rizal ay inudyukan na tumakas at tiniyak na sya ay ligtas sa pag - uusig pagkat ito ay teritoryo ng mga Ingles ngunit si Rizal ay hindi pumayag sa mungkahi

Ika 30 ng Septyembre 1896, habang nasa Gitnang Silangan ang kanyang sinasakyan ay nakatanggap ang kapitan ng barko ng isang telegrama na nag - aatas na dapat dakpin si Rizal 

Dinala sa Barcelona si Rizal at ikinulong sa Montjich ( isang bilanguan )

Sinakay sa Colon kinabukasan upang dalhin sa Maynila at Doon litisin at hatulan

Sa mga sandaling iyon ay pumutok na ang himagsikan sa Pilipinas

Habang nakadaong sa Singapore ang barkong kanyang sinasakyan ay isang kasulatan mula sa Korte Suprema ng Straits Settlements ang nagtatakdang palayain si Rizal sapagkat ilegal ang kanyang detensyon ang kasulatang ito ay dahil sa pagsisikap ni Dr. Antonio Ma. Regidor ng Londres at iba pang abogadong Ingles sa pamumuno ni Kord Hugh Fort ngunit hindi ito nangyari sapagkat ayon Kay Hukom Lionel Cox ang Colon aniya ay isang barkong Kastila at si Rizal ay isang mamamayang nasa ilalim ng pamahalaan ng Kastila kaya naman samakatuwid ang kaso niya ay hindi na sakop ng Hurisdiksiyong Ingles



Ika 3 ng Nobyembre 1896 nang sya ay ituloy sa Fort Santiago

Ika 26 ng Nobyembre 1896 nang si Rizal ay sinimulang litisin sa hukumang militar sa pamumuno ni Hukom Enrique Aleacer ng Cartero Dr Español

Si Tenyente Luis Taviel de Andrade ang tumayong tagapagtanggol ni Rizal

Hinatulan ng kamatayan si Rizal sa kabila ng pagsisikap ng kanyang tagapagtanggol na sya  ay mapawalang sala sa mga akusyong rebelyon, sedisyon at pagtatatag ng ilegal na samahan



Sa huling gabi ni Rizal sa sa daigdig ay kanyang isinulat ang kanyang akda na Mi Ultimo Adios at ito ay kanyang itinago sa lamparang de alcohol


Ibinigay ni Rizal ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akda sa kanyang kapatid na si Trinidad bago sya lumabas sa Fort Santiago



Ipinagkaloob naman niya ang Imitation of Christ ni Thomas Kempis sa kanyang asawang si Josephine Bracken 

Sa pamangkin naman nyang si Mauricio iniabot ang kanyang sinturon 

Bago naman barilin si Rizal ay dinama pa ni Dr. Ruiz y Castillo ang kanyang pulso at ayon dito ay normal ang pulso ni Rizal bago sya mabaril

Ika 30 ng Disyembre 1896 nang si Rizal ay binaril sa bagumbayan sa edad na 35 taong gulang


Sa pagsigaw ng salitang fuego bilang hudyat na sya ay barilin si Rizal ay humarap at sinalubong ang mga bala upang patunayan na wala syang ginawang pagtataksil sa bayan at hindi sya natatakot mamatay para sa bayan

Inilibing sya ng palihim sa Paco. Sapagkat ang pamahalaan ay natatakot na magkaroon ng gulo ay binaliktad pa nila ang unang letra sa kanyang pangalan ( R. P. J )

Ika 17 ng Agosto 1898 nang si Rizal ay ipinahukay ng kanyang mga kapatid at doon nila natuklasan na si Rizal ay inilibing ng walang ataul. 

Tanging ang sapatos at sombrero na lamang ni Rizal ang nananatiling buo nang mga panahon na sya ay hinukay.



- Ang wakas ng kwento -


-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang magsadya @ Learn World Lessons

Maaari mo ring sundan ang aking fb page @ Furious Corazon Tv




Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal


No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...