Ang pag ibig ng isang ina - Learning Lessons

Breaking

Tuesday, May 24, 2022

Ang pag ibig ng isang ina

-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata- 
Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaang sinuman ito ay isinulat lamang para makadagdag kaalaman at hindi upang makipagdebate o makipag argumento-
_____________________________________

Ako ay isang INA na nagluwal ng tatlong anak na siyang pinaglalaanan ng aking buhay. Anong pag ibig ang hihigit sa pag ibig ng isang ina na handang ibigay ang kaniyang buhay sa kaniyang mga anak? Ang bawat hakbang ng isang ina ay marapat lamang na isaalang alang ang kinabukasan ng kaniyang anak. Hindi ang anak ang dapat na nagpaparaya sa kanyang ina at hindi ang anak ang dapat na mag bigay at bumuhay sa kaniyang ina. Sapagka't ang anak ay inilabas ng ina at ang ina ang dapat bumuhay at magparaya at umunawa sa kanyang mga anak.


ANG HINAING NG PUSO NG ISANG INA NA NAGDURUSA

Ang lahat ng aking ginagawa ay para sa aking tatlong anak. 

Ang lahat ng aking ninanais ay para sa kanila lamang; hindi ko kailangan ng ano mang yaman, sapagka't nasa kanila  naipon ang aking yaman at wala nang hihigit pa na yaman na matutumbas sa aking mga anak.

Ang aking buhay ay handa kong ibigay mabuhay lamang ang aking mga anak. Mas mamarapatin ko pang ako ang magdusa kung ang kapalit nito ay sila ang liligaya. Mas nanaisin ko pang ako ang laitin huwag lamang sila ang laitin.

Masakit para sa akin ang bawat paglisan na aking ginagawa; ngunit kung di ako lilisan ano ang aking magagawa? Ako ay binigyan ng matinding pagsubok; ako ay inatangan ng mabigat na responsibilidad; ako ay matapat sa aking ama, na siyang nagtuturo ng bawat landas na aking tatahakin. 

Gayun pa man ito ay masakit sa akin. Na ako ay lumisan at ang tatlo kong anak ay aking iwan. Oo, totoong totoo mga minanahal kong mga katoto na ako ay naglilingkod sa inyo. Ngunit ang puso ko ay sumasamo at nakikiusap; wag ninyong saktan ang aking mga anak. Wag ninyong laitin o sila ma'y alipustain; wag ninyong subukan na sila ay siraan sa akin. 

Sapagka't kilala ko sila na higit pa sa inyong pagkakakilala. Sapagka't sila ay nagmula sa akin at ako ay sila at sila man ay ako rin. Kaya kung ano man ang inyong ginagawa sa kanila ay inyo na ring ginawa sa akin. Kung ano man ang inyong ibigay sa kanila ay siya din naman ninyong ibinigay sa akin.

Wag ninyong tangkain na sila sa akin ay sirain; sapagka't walang hihigit sa pag ibig na aking nilalaan sa aking mga anak.

Ano mang hirap at pagsubok na dumating sa aking buhay ay hindi iyon sapat upang talikuran ko ang aking mga anak. Ang aking mga anak ay walang kasalanan sa mga bagay na nangyari sa aking buhay.

Ang aking mga anak ay musmos at bata pa. Na kung tutuusin ay wala sila dapat na kayahan na mamuhay at tumayo sa sarili nilang mga paa. Ngunit dahil kanilang nakita ang mga pangyayari at nasaksihan nila ang bawat sakit na pinagdaanan ng kanilang ina; lalong lalo na ang una kong anak na dalawa; sila ay nagtaglay ng pag iisip na higit na malayo sa pag iisip ng kanilang mga kaidaran; sila ay nagtaglay ng tunay na lakas na di madaling gupuin o subukan; sila ay natutong umunawa sa mga bagay na kay hirap maunawaan; at sila ay natutong tumanggap ng mga bagay na sa iba ay mahirap matanggap.

Hilingin nyo na ang lahat sa akin wag nyo lamang hilingin na sila ay aking limutin. Sapagka't kung sila ay aking lilimutin, para nyo na ring sinabi sa akin na ang aking sarili ay aking limutin. 

Kay hirap at kay sakit ng aking dinaranas; tuwing aking nakikitang sila ay kay sakit ng mga dinaranas. At mas nanaisin ko pang mamatay na kasama sila; kaysa mabuhay ng wala sila.

Kaya naman isa lang ang samo ko aking mahal na Ama; kung ako ay lumisan alagaan mo sila. Wag mong hayaan na magtagumpay ang sino mang kaaway na magtatangkang lumupig o sumira sa kaligayahan nila. Wag mong hahayaan na sila ay matangay ng mga diyablo na sa kanila ay nagnanais na tumangay. Wag mong hayaan na sila ay masaktan ng kahit na sino man. Pakiusap ko aking mahal na ama wala akong hinihiling pang iba kundi ang iligtas mo lamang sila; at ako ay maglilingkod sa iyo hanggat ako ay tintawag mo.

Ang mga bagay na ito ay hinihiling ko dahil bagaman ako ay lingkod mo; ay isang ina din naman ako na sumasamo sa iyo sa pangalan ng aking panginoong Hesukristo; Amen.

-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang magsadya sa link na ito : Learn World Lessons -

Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal



No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...