Ang mabuting babae - Learning Lessons

Breaking

Tuesday, May 24, 2022

Ang mabuting babae

-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata- 
Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaang sinuman ito ay isinulat lamang para makadagdag kaalaman at hindi upang makipagdebate o makipag argumento-
_____________________________________

Ang bawat tao ay may kanya - kanyang tungkulin sa buhay. Maging ikaw man ay isang babae o lalaki ay may katungkulan kang dapat gampanan sa ating lipunan. 

Ang ating mga katungkulan ay nakasaad sa bibliya, kaya kung ikaw ay isang ina o asawa ay marapat lamang na ikaw ay magbasa ng mabubuting salita ng ating Ama.

Ikaw ba ay isang babae?
Sa iyong pagiging babae, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit may mga kababaihang lubos ang pag-ibig na nakukuha sa kanilang mga anak at sa kanilang minamahal na esposo? 

Samantalang ang iba naman ay sinasaktan at iniwan ng kanilang esposo at gayun din naman ay hindi sila tinatalima ng kanilang mga anak sa kanilang lahat ng mga sabihin o ipagbilin, maging ito man ay para sa ikakabuti ng kanilang mga iniibig na anak. 

Narito ang mga katangian ng isang tunay na babae ayon sa banal na kasulatan upang iyong maunawaan kung ano ang iyong mga katungkulan bilang isang kababaihan maging ito man ay sa iyong loob ng tahanan o sa iyong lipunang ginagalawan.

Ang isang babae ay kinalulugdan ng ating lumikha. Sapagkat sila ang naging daan upang matupad ang layunin ng ating Ama na punuin ng tao ang lupa. At harinawa ay iyong maunawaan ang iyong dapat na katangian bilang isang kababaihan. 

Malalaman mo nga at mapagninilayan ang iyong katungkulan sa iyong pagpapatuloy sa pagbabasa.

Ikaw ay isang babae na dapat alagaan ang iyong pagkababae. Iyong ingatan ang iyong katawan, sapagkat ito ang iyong puhunan sa bawat mong mga laban. 

Ikaw ay isang anak, iyong mahalin ang iyong magulang ano pa man ang kanilang kalagayan. Ano pa man ang kanilang pagkukulang ay ikaw ay anak at hindi mangyayari na ang anak ay makabayad ng utang na loob sa magulang sapagkat ang magulang ang naging daan ng buhay ng isang anak at hindi mangyayari na lalabas muli ang magulang sa kaniyang anak. Bilang anak ikaw ay anak at hindi ito magbabago o magkakapalit ng katungkulan ang magulang at anak. Hindi ito ang nais ng Ama para sa atin. Ilagay natin sa ayos ang ating katungkulan upang maging maayos din ang ating kapalaran.

Ikaw ay isang esposa, ang pagiging esposa ay iba sa pagiging may asawa na babae. Ang isang esposa ay ginagampanan ang kanyang katungkulan sa kanyang esposo nilulukob nya ng pagmamahal ang puso ng kanyang esposo at ito ay  pinagsisilbihan nya. At ang kaniyang esposo ay tunay na nagtitiwala sa kanya. Sapagkat alam ng kaniyang esposo na siya ay isang matuwid na babae saan mang lugar sya magpunta. Kaya naman walang pagdududang magaganap at umiiral sa kanilang pagsasama at sila ay pinagpapala ng maligayang pamilya.

Ikaw ay isang ina, ang isang ina ay marunong kumalinga at mag-alaga ng kanyang mga anak. Binubusog nya ang kanyang mga anak hindi lamang ng pagkaing para sa katawan ngunit gayun din namang higit ng pagkaing para sa kaligtasan ng kaluluwa ng kanyang mga anak. Hindi niya ipapaubaya na mapamahal sa ibang ina ang kanyang anak sapagkat ang ibibigay nyang pagmamahal sa mga ito ay walang kaparis at hindi kayang lagpasan ng sinumang nilalang.

Ang babaeng may kahinhinan ay pinagaganda ang kanyang kalooban gayun din naman, hindi ang kalat ng kanyang tahanan ang pinagtutuunan kundi ang ikabubuti ng kanyang sambahayan.

Sapagkat hindi dahil ikaw ay babaeng isinilang ikaw ay tumatalima sa iyong kasarian at katungkulan bilang isang kababaihan.

- Ang mga susunod na sulatin ay hindi na nagmula sa akin ito ay hango sa isang pahina ng ating banal na libro -
_____________________________________

         Mga kawikaan 31

Ang mabuting babae

10 Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagkat ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kaysa mga rubi.

11 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kanya, at siya ay hindi kukulangin ng pakinabang.

12 Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.

13 Siya ay humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay.

14 Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala sya ng pagkaing mula sa malayo.

15 Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan, at ng kanilang gawain sa kanilang alilang babae.

16 Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay ay nagtatanim sya ng ubasan.

17 Binibigkisan nya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig

18 Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: Ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi.

19 Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. 

20 Iginagawad nya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.

21 Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sambahayan sa niebe; sapagkat ang buo nilang sambahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula.

22 Gumagawa siya sa ganang kaniyang ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at kayong kulay ube.

23 Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan, pagka siya'y naupo sa kasamahan ng mga matatanda ng lupain. 

24 Gumagawa siya ng mga kasootang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal. 

25 Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating.

26 Binubuka ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang sila.

27 Kaniyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran.

28 Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag syang mapalad ; gayon din ang kaniyang asawa at pinupuri sya niya, na sinasabi:

29 Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, ngunit ikaw ay humigit sa kanilang lahat.

30 Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin. 

31 Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay; at purihin siya ng kaniyang mga mga gawa sa mga pintuang-bayan.
_____________________________________

At ngayon ay iyong natanto, ang mga binibigkas ko. Nawa ito nga ay magbigay ng halimbawa sa iyo. Na hindi ang iyong pagpapanatili ng iyong kagandahan ang magiging dahilan upang ang iyong esposo ay hindi ka iwan. Kundi ang pagpapanatili ng magandang halimbawa na kanyang ipagmamalaki sa lahat niyang kapwa. Gayun din naman ay hindi sa tsismisan ang sa Diyos na tinuran na iyong oras ay paglaanan. Iyong bigyan ng oras ang iyong katungkulan, katungkulan sa asawa pati sa mga anak at lipunan. Alamin mo ang mga bagay na iyong ginagawa, upang iyong masabi na babae ka nga. Isang tunay na babae na sinusundan ng pagpapala. Sapagkat sa mata ng Diyos, tunay kang biyaya.

- Ang wakas- 

Kung inyong nagustuhan ang aking katha ay maaari kayong mag subscribe, o i share at magkomento


-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang magsadya sa link na ito : Learn World Lessons -


-Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal-

No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...