Ang Aking Talisman - Learning Lessons

Breaking

Wednesday, March 16, 2022

Ang Aking Talisman

Ang Aking talisman ay hindi basta basta lamang
Ito ay tumutulong sa akin na lumipad at libutin ang buong sandaigdigan 



Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang 
Ito ay nagbibigay sa akin ng lakas upang tumulong kanino man

Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang 
Ito ay tumutulong sa akin na maging matatag sa oras ng kahirapan

Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang
Ito ay nagbibigay lakas sa aking kahinaan 

Ang Aking talisman ay hindi basta basta lamang 
Ito ay nagbibigay kaligayahan sa mga oras ng aking kalungkutan

Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang 
Ito ang tumutulong sa akin na bumangon sa mga panahon na ako ay nadadapa at lugmok sa kahirapan



Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang
Ito ang sa akin ay nagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng panahon

Ang aking talisman ay hindi basta basta lamang
Ito ang nagbibigay ng tapang sa oras ng aking karuwagan 

Sapagkat ang aking talisman ay hindi bato, hindi bagay, at hindi rin nanggaling kanino man 
Ito ay nasa loob ng aking puso nagliliyab
Kusa itong lumalabas sa oras ng aking pangangailangan at kagipitan

Ang aking talisman ay hindi nakikita, nasusukat o nahahawakan ngunit Ito ay nararamdaman

Ano nga ba ang talisman Ito? Ang talisman Ito ay ang pag - ibig ko 



Sapagkat ang aking pag - ibig ang tunay na aking talisman na nagiging dahilan kung bakit kaya kong lagpasan ang lahat ng sa akin ay nagdaan at alam kong aking malalagpasan ang mga susunod ko pang dadaan

Ikaw, ano ang talisman mo? Ibahagi mo naman ito. 

- Ang Wakas -


-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang bumisita sa link na ito : Learn World Lessons -

Maaari mo ring sundan ang aking fb page sa Furious Corazon Tv  at sa Furious Corazon's Life Quotes

Umorder ng aking mga produkto Dito

Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal




No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...