-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata-
- Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaan o tinutukoy na sinuman at ang bawat nakasaad sa akdang ito ay pawang imahinasyon lamang ng aking mapaglarong isipan at ito ay walang katotohanan -
_____________________________________
Sa isang malayong kaharian ay may isang magandang babae na nagngangalang Dyesabel.
Si Dyesabel ay isang maganda at matalinong babae na may malinis na puso, wala syang hinangad kundi ipamahagi ang pag - ibig at ang kabutihan ng bathala sa lahat ng tao. Mahilig makipanayam kung kanikanino ang dalaga upang kanyang ipamahagi ang bawat salita ng bathala.
Ngunit ang kanyang kagandahan at katalinuhan ay parang sumpang sa kanya ay nagpapahirap. Sapagkat ang lahat ng kalalakihan maging ito man ay bata, binata o may asawa man ay naaakit sa kanyang kagandahan at sa kanyang mga matang malamlam. At ang lahat naman ng kababaihan siya nga ay kinaiinggitan at kinaiinisan dahil sa kanyang tagalay na katangian.
Kaya naman kahit na mabuti ang hangarin ni Dyesabel sa bawat nyang kausapin ay may malisya pala sa isip ang mga bawat kanyang nakakapanayam. Sadyang napaka - inusente ng isip at puso ng babaeng ito na hindi nya alam na ang kanyang kausap ay may masamang planong nabubuo. Kaya naman sa kay Dyesabel ay maraming nagsasamantala sapagkat mabuti ang hangarin ng puso nya.
Si Dyesabel ay maraming naging mangingibig ngunit isa man ay hindi tunay na sa kanya ay umibig, ang nais lamang nila siya ay paglaruan at makuhang ganap ang kaniyang karangalan.
Sa mga kababaihan na nagiging kaibigan ni Dyesabel sila ay mabuti lang sa kanya kung sya ay kaharap lamang at kung mayroong kailangan.
Walang ni isa man ang nagpapahalaga sa mga gintong aral na ibinibigay ni Dyesabel. Sa kalalakihan ang nananaig ay ang pagnanasang labis at sa mga kababaihan naman ay galit at inis.
Sadyang di nga matanto ni Dyesabel kung sino pa ang taong kaniyang kakausapin, na sa kanya ay maniniwala at hindi sya gagawan ng masama.
Minsan nga ay mayroong nakilala si Dyesabel na isang binata. At sa binatang ito sya ay umibig ng kakaiba minahal nyang tunay ang naturang binata at iniwan ang lahat pati ang pangangaral ng salita ng kaniyang bathala. Ninais ng dalagang mabuhay ng simple at masaya kaya ninais nya na sa lalaking ito ay bumuo ng pamilya.
Sadya ngang malupit ang kapalaran sa dalagang ito, sapagkat ng malaman ng binata na seryoso pala sya, sya ay iniwan at di na nagpaalam ni hindi manlamang nagsabi ng kahit ano pa man.
Ngunit kahit minsan ay hindi nagdamdam si Dyesabel kanyang bathala na kanyang ihinahayag at ipinangangarandakan.
Ang puso ng dalaga ay tunay na tapat sa kanyang bathala at hindi masusukat. Kaya naman ng siya nga ay iniwang tunay ng lalaking tunay nyang inibig at pinapasok sa kanyang puso at dibdib, ay nanangis ng lubos ang kawawang dalaga at isang umaga sa bathala ay nakipanayam sya.
Isang umagang maganda si Dyesabel ay nagtungo sa dalampasigan at doon nagpatiparang umiyak ng totoo at sa kanyang bathala ay nakipanayam dito.
Ganito ang sinabi at mga winika; oh aking bathala! Na aking sinasamba!
Iyong nalalaman na sinasamba kita. Iyong mga aral at pag - ibig ay ihinayag kong tuwid, bawat utos mo sakin ay aking sinunod. Ngunit aking hiling ako nga ay patawarin sa aking kahilingang nais kong idaing.
Iyo ngang wakasan ang aking kahirapan ang sakit ng damdamin ay iyo nang linisan. Iyong nalalaman ang bawat sa aking buhay ay naganap kaya naman hiling ko ay lumayo na ngang wagas sa bawat nilalang na iyong nilikha sa lupa, sapagkat sakit lamang ang dulot sa akin ng bawat mong nilikha. Aking hiling sayo oh, bathala ko ay dingin mo at iyong wakasan ang bawat pagdurusa ko.
Kung ang aking kaanyuan ang magiging dahilan ng bawat pighati at mga karamdaman iyo ngang alisin itong aking kagandahan upang hindi maging hadlang sa iyong karangalan.
Nang madinig ng bathala ang kanyang hinagpis ito ay naawa at ganito nga ang winika; oh, aking lingkod na tunay ako ay iyong pinagalak, hinaing ng iyong puso ay nadinig kong ganap. Ngunit aking tanong ikaw ba ay sigirado? Sa bawat hiling mo, ito ba'y di na magbabago?
Sapagkat sa iyo ay di pa dumarating ang lalaking itinakda na nagmula sa akin.
Sumagot si Dyesabel at ang winika ay ganito; kung sakali mang dumating sa akin ang itinakda mo, ako ay di nya nanaisin pag kanyang nalaman ang bawat kahapon na sa akin ay nagdaan. Ako ay kanyang iiwasan at pandidirihan at sya man nga ako ay paglalaruan din lamang.
Sapagkat sa akin ay marami nang nanlinlang at di nya nanaisin na sya ay makantsawan ng mga tao sa paligid at mga kaibigan ni hindi nya ako maipagmamalaki sa kanyang ina man lamang. Kaya naman aking hiling bathala kong minamahal ay dingin, aking paghihirap ay wakasan mo at aking pagdurusa ay tuldukan mo na rin. Kung hindi man ay hinihiling ko na lamang sayo, na wakasan na lamang ang abang buhay ko. At ako ay ipisan sa iyong tahanan, kung saan walang sakit at dusa akong mararamdaman.
Naawa at nahabag kay Dyesabel ang dakilang bathala kaya naman sa kaniya ay ganito ang winika; dahil ang iyong hiling ay hindi na magbabago, at sadyang nadarama ko ang tibok ng puso mo. Ikaw ay aking tunay na kinalulugdan at ang iyong kahilingan ay igagawad ko naman. Sa pagsapit ng hating gabi ang bilog na buwan ay sisikat at ito ay magkukulay dugo, bilang isang hudyat, na magaganap nang lubos ang kapangyarihan ko. Ikaw ay bumalik sa dalampasigan ngang ito at iyo ngang hubarin ang lahat mong kasootan. At ikaw ay lumakad patungo sa tubig ng karagatan at doon magaganap ang iyong nais na lahat.
Simula ngaung gabi ang iyong buhay ay magbabago. Ikaw ay sa tubig na maninirahan ng totoo. Ang iyong mga binti na makinis at maputi, ay mapapalitan ng buntot na malansa at makaliskis. Ang iyong mga hita at mga paa ay di na makikita sapagkat ito ay ititikom ko at itoy isasara, kung bagay ikaw nga ay magiging babaeng isda na at darating ang araw ay tatawaging sirena.
Ngunit dahil ikaw ay tunay na aking sinisinta at iniibig, ang hita mong naglaho ay may pag - asang magbalik, pagdating ng panahon na sa iyo ay may umibig. Malalaman mo ang tunay na lalaki na aking itinakda, sapagkat matatanggap nya kung ano man ang iyong sumpa. Kanyang iiwan at tatalikuran ang lahat ng mga bagay na sa inyo ay hahadlang. Sa bawat sasabihin ng tao ay walang syang pakialam, sapagkat walang mahalaga sa kanya kundi ang pag - ibig mo lamang. Ni hindi ka nya gagawing laruan o pandidirihan man lamang, kanyang ikararangal ano man ang iyong asal.
Sa aking tinuran ikaw ay manalig, sapagkat walang magaganap kung wala kang pananalig.
Matapos mangusap ang bathalang maalam, si Dyesabel ay nagpaalam at tuluyan nang lumisan sa tabi ng dalampasigan.
Si Dyesabel ay nagpakasaya sa kanyang dalawang paa, tumakbo, tumalon, umakyat ng puno at bundok at walang oras sa sinayang sa sariling paa ito ay itinuon masayang masaya na nagpaalam sa kanyang mga paa, ang kaniyang mga paa na ubod sa ganda at mga hita at binti na walang kaparis sa kinis pa at maligayang tinandaan sa isip ay inilarawan ang bawat detalye at anyo ay tiyak na hindi malilimutan.
Sumapit na nga ang takdang oras ng pamamaalam ni Dyesabel sa kanyang mga paa na hanggang doon na lamang. Si Dyesabel nga ay naghubad ng kaniyang lahat ng kasootan at doon tumungo sa may tabing dagat at ni hindi manlang nya nilingon ang kanyang tahanan, ni walang dinala ang lahat ay iniwan.
Narating na ngang tunay ng dalaga ang magandang dalampasigan na ang tubig ay wari mong diamante na nagkikinangan. Sa dami ng mga bituin sa langit na lalo pang magpapaganda sa mga magaganap na mga eksena. Nilanghap ngang tunay at pinakiramdamang wagas ang malamig at mabangong hangin na sa kay Dyesabel ay humahampas. Kay lamig at kay bango ng hangin na ito, na wari mo nga ay sa angel na hininga ang nilanghap na halimuyak. Ang bawat hangin na dumadampi sa katawan ay nanunuot sa buo ngang katauhan. Lalo pang pinaganda ng paglipad ng mahabang buhok ng dalaga ang mga eksena na sa dalampasigan ay makikita.
Mag - isa nga sa dalampasigan ang dalagang timtiman at ang tanging saksi lamang sa mga kaganapan, ay ang malawak na dagat at magandang kalangitan at ang malamig na simoy ng hangin na sa kanya ay yumayakap.
Maya maya ay nasabi ni Dyesabel ang ganito; tunay ngang maganda ang lupa na kanyang nilikha, ngunit ito rin ang nagdulot sa akin ng pagdurusa ang bawat taong naninirahan dito ay kay hirap kong matalastas kayat minabuti kong sa kanila ako ay tumakas.
Habang lumalalim ang gabi ay lalong lumamig ang hangin at ang paghampas nito ay malakas na rin. Ang alon na kanina ay kalmadong kalmado, ngaun ay nagngangalit at waring lalamunin ang lahat ng lumapit dito. Lumiwanag na ngang wagas ang bilog na buwan. At pamaya - maya ito ay nagkulay dugo naman.
Lumapit si Dyesabel sa mga tubig ng dagat at ito ang winika at kaniyang tinalastas; mangyari ang dapat mangyari, maganap ang dapat maganap, ako ay walang magagawa kundi ang lumingap lamang. Ako ay sumusunod lamang sa aking bathalang timtiman akin syang sinasamba at ang kanyang kapangyarihan ay aking pinananaligan. Nang mabanggit ang mga bagay na ito, agad ngang naganap ang mga tinuran ng bathala sa pagkatao ni Dyesabel.
Nang madampi ng tubig ang magagandang paa ng dalaga ito ay agad nagbagong anyo at ito'y naging buntot na. At tuluyan na ngang naglaho ang mga binti ngang makinis at ang mga malaporselanag kutis.
Nilamon nang ganap ng dagat ang dalagang mabait, kung saan sya dinala ay walang nakatatalastas.
Magpasahanggang - ngayon ay walang nakakaalam, kung saan dinala ng agos ang dalagang timtiman. Kung si Dyesabel ay buhay pa ang bathala lang ang may alam at kung sa kanya na nga ba ay dumating na ang binatang itinakda ng kanyang bathala. Yang mga bagay na iyan ay walang makasasagot sapagkat kahit kailan ay wala nang nakakita sa magandang dalaga.
- Katapusan ng kwento -
-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang magsadya sa link na ito : Learn World Lessons -
Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal
No comments:
Post a Comment