Saan Ka Patungo? - Learning Lessons

Breaking

Wednesday, May 18, 2022

Saan Ka Patungo?

-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata- 
Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaang sinuman ito ay isinulat lamang para makadagdag kaalaman at hindi upang makipagdebate o makipag argumento-
_____________________________________

 Sa paglipas ng panahon, aking napagtanto. Kung ang aking bawat oras at araw ay nakalaan nga ba kanino? Aking napagmuni muni sa aking sarili, kung ako nga ba ay mananatili kung saan ako ay hindi kinakandili.



Malalim ang sugat na aking dinanas; sa bawat desisyon at hakbang na di ko pinag isipan.

Ngunit kung magkagayon man, ako ay lalaban. Sapagkat walang patutunguhan ang aking mga pagdaramdam. 

Sa araw araw ng ating buhay, ikaw baga ay nasanay? Nasanay sa mga bagay na walang kakwenta kwenta at walang saysay. 

Nasanay sa mga araw na walang gawain kundi mag antay na matapos ang oras. Oo nasanay na kumain matulog at walang ginagawa. Kung ang bawat araw mo ay pare pareho, sa tingin mo? Saan ka patungo? 

Bagaman inyong naiwasan ang masaktan o masugatan o kahit mapagod man lamang. Ngunit tanong ko ay ganito, hanggang saan na ang narating mo?

Kung ikaw ay tumanda, ay sadyang nakakatuwa. Na maabot mo ang edad na ang ibang tao ay di nagawang maaabot dito sa ibabaw ng lupa. Ngunit sa aking tanong ay wag kang magalit o magdamdam, ano nga ba ang nagawa mo? Na iyong isasaysay sa bawat salita habang ikaw ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa. 

At kung ang bawat oras at araw ay di na maibabalik, at ang bawat naganap ay di na muling mauulit, bakit nandyan ka at nagtitiis parin sa buhay na paulit ulit?

Tunay na mainam ang batang walang alam, kaysa matandang di na matuturuan. Sapagkat kung ang bata ay mapapasunod pa, ang matanda ay hindi na. Ang tumandang baluktot ay mananatiling baluktot. Ang isip na masalikwaot, ay walang buting idudulot. 

Kaya wag lang makuntento sa parepareho. Tumindig ka at lumingon sa labas; at itanong sa iyong sarili, saan nga ba ako patutungo? Ano nga bang buhay ang nais ko? Hanggang dito nalang ba talaga ako? Wala ba akong alam? O kahit ano mang kakayahan? Bakit ko natitiis ang mga hirap at sakit kung maaari ko namang gamutin at ito ay alisin? 

Ano nga ba ang bukas na tunay na hinihiling ng puso ko? Wag kang magsisinungaling sa sarili mo. At aminin mo ang tunay na nais mo. Sapagkat maloko mo man ang ibang tao ay di mo kayang lokohin ang sarili mo. Ano mang bukas mo ay nakasalalay sa bawat hakbang na tatahakin mo ngayon. Dahil ang ngayon mo ay magiging haligi ng bawat bukas mo. At ang na karaan mo ay ang pundasyon kung sino ka ngayon. 
 
Ito ang mga tanong na aking nasambit, sa aking sariling aking iniibig.

Na maaaring ako ay muling masaktan o masugatan o maaaring mawalan ng buhay na aking kaisa isang yaman. Ngunit kung ako ay di magpapatuloy, at ako ay laging lilingon sa aking kahapon ay di ko mararating at di ko malalaman ang sa akin ay naghihintay sa may dako paroon.

Oo ang aking nakaraan ay madilim at di maunawaan; ngunit nangyari na ang nangyari at naganap na ang bawat naganap. Kung kaya naman minabuti ko na ako ay magpatuloy na lamang at iwan na lamang ang sakit ng bawat aking dinanas.Na ito man ay sa aking puso ay nagsugat, ngunit ito naman ay ang sa isip ko ay nagmulat. 

Na wala akong kakayahan baguhin ang ibang tao o ang bawat ano mang bagay at pangyayaring aking makakasagupa. Sila ay darating sa takdang panahon, at sila rin ay lilisan sa takda rin namang panahon. 

Kaya naman nararapat lamang na ang aking puso at isip ay wag ko sa kanila ituon at kundi sa aking sariling panahon. Sapagkat di ko alam kung hanggang kailangan ako ay mananatili sa mundong ibabaw na sadyang malawak at di matunton.

Ano mang desisyon ko ay magiging haligi ng aking pagkatao. At ako ang huhusga kung ano ang pagkataong nais ko para sa sarili ko. 

Kaya naman ngayon pa lamang, sa aking sarili ay aking itinanong, saan ka nga ba patungo? 

Ikaw na nagbabasa ng aking artikulo; naitanong mo na ba sa sarili mo? At kung hindi pa nga ikaw ay tatanungin ko. Ikaw, saan ka patutungo?


-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang bumisita sa link na ito : Learn World Lessons -

Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal





No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...