Salamin ng buhay - Learning Lessons

Breaking

Saturday, May 21, 2022

Salamin ng buhay


-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata- 
Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaang sinuman ito ay isinulat lamang para makadagdag kaalaman at hindi upang makipagdebate o makipag argumento-
_____________________________________


Ang bawat isa ay may kanya kanyang buhay. Kung ano ang buhay na mayroon tayo ngaun ay dapat natin itong pag - aralan at pag - isipan. Huwag nga nating pag - aralan o ni pag - isipan man lamang ang buhay na hindi naman sa atin. Sapagkat ang ating buhay ang siyang sasalamin sa bawat mga taong makakasalamuha natin. 



Ano na ang sitwasyon mo ngaun? 
Ikaw ba ay nasa sitwasyon na sa iyong pakiramdam ay wala ka nang pag - asa?

Para sabihin ko sayo aking katotoong minamahal ng tunay at totoo, hindi totoo na wala ka nang pag - asa sa buhay mo. Ang bawat tao ay binigyan ng suliranin ng ating Amang may kapal upang ating pag - isipan at pag - aralan. At lagi mong tatandaan na kaya ibinigay ng ating Amang lumikha ang bawat problemang ating dinadanas ay alam nya na kaya natin itong lagpasan. 

Magpasalamat ka pa nga sa kanya na malaki ang mga suliranin mo, sapagkat nangangahulugan ito na malaki rin ang kaniyang inaasahan na gagawin mo at malaki rin ang tiwalang ibinibigay nya sayo.

At kung tayo naman ay talagang haharap na sa takdang panahon ng kamatayan, at talagang panahon na upang lumisan sa mundong ating ginagalawan, ay marapat nga lamang na tanggapin natin ito ng maluwag sa ating kalooban. Sapagkat wala tayong magagawa kung talagang tayo ay kukunin na nya sa mundong ito. Wala tayong kakayahan o kapangyarihan na hadlangan ang ano mang plano ng Diyos sa ating buhay o kahit sa buhay man ng ibang tao sa ating paligid. Maaaring mapapabagal natin ang panahon na itinakda ngunit pasasaan ba ay matutupad at matutupad ang bawat niyang plano sa buhay ng bawat isang tao. At kung ikaw ay di nakaganap sa mga tungkulin mo dito sa ibabaw ng lupa habang ikaw ay buhay ay wag kang magpapaliwanag kahit na kanino pa mang nilalang. Wala kang dapat pagpaliwanagan kundi ang ating Ama lamang. Sa kanya ka lamang mananagot at sa kanya ka lamang magpapaliwanag. Sa kanya mo iuulat ang bawat misyon na iyong natupad o hindi mo man natupad.

Ang bawat suliranin ay may solusyon. Ngunit kung ang iyong titingnan ay ang bawat mga negatibong aspeto ay puro sakit lamang at kawalang pag - asa ang madarama mo.

Ngunit kung ikaw ay handang masaktan o masugatan, uminom ng bawat pait na dala ng katas ng buhay, ay iyong malalaman na ang bawat pahihirap ay may katumbas na kaginhawahan, ang bawat kalungkutan ay may katumbas na kaligayahan. Ang bawat pighati at ang bawat pagkasawi ang dulot ay tagumpay at sa labi ay ngiti.

Sa bawat pait ng kahapon ang dulot ay matamis na ngayon. Kaya naman wag ang sakit o ang pait ang iyong bigyang tuon, kundi ang solusyon na marapat mong gawin upang ikaw ay makaahon. 

Wag nating isisisi sa iba ang sitwasyon na ating tinataglay ngayon. Huwag nating pagtaniman ng galit ang sinumang sa atin ay nanakit, sapagkat sila man ay di nalalaman na sila ay tumutupad lamang sa kanilang misyon na ikaw ay subukan.

Wag mong sabihin na mahirap ang buhay ko, kanya nga ang magagawa ko ay ano? Ngunit kumpleto ang iyong katawan at sa iyo ay walang kulang. Kung ang may mga kapansanan ay may nagagawang paraan, paano ka pa nga na ang katawan ay kumpleto naman.

Wag rin nating isisi ang lahat sa gobyerno kung bakit ngayon ay naghihirap tayo. Sapagkat sa laki ng problema ng Gobyerno upang tulungan tayo ay di nagagawang isa - isahin ang bawat tahanan upang itanong kung kumain kana na ngaung oras na ito. At hindi naman kasalanan ng Gobyerno kung ayaw mong maghanap ng pagkain o kung mayroon ka na ngang pagkain ay ayaw mo pang lutuin. Nagagalit ka sa presidente na maghirap ka, eh hindi naman sinabi ng presidente na mag - asawa ka at mag anak ka ng labing - lima. 

Oo, ang mga aspetong ito ay makakaapekto sa pamumuhay na tinataglay mo, ngunit makakaapekto lamang ito kung ikaw ay magpapaapekto. 

Kung nakikita ng mga tao na kayang kaya ka nilang sirain at saklawan sa iyong bawat mga hakbang sa buhay ay talaga namang ikaw ay kanilang hindi iwawalay. At ang bawat gawain nilang buktot kung ikaw ay pasasakop, ikaw ay kanilang masasalot. Ang ang bawat kanilang masamang hangarin ay lalo pang pagbubutihin, sapagkat alam naman nila na ikaw sa kanila ay magpapailalim. 

Huwag ka ring umasa sa pagdating ng biyaya, biyayang nagmula sa iyong mga kapwa. Dahil kung mag - aantay ka na mabiyayaan ng iyong kapwa ay kung kailan ka lamang nila nais na ambunan ng kanilang kabuhayan ay saka ka lamang maaambunan. At tunay na tunay naman na ang iyong makakamit na biyaya ay talagang ambon lang at sa iyong paghihirap ay hindi makasasapat. Sapagkat sino ang taong tanga na ibibigay ang lahat ng kanyang pinagpaguran sa isang taong nag - aantay lamang. Sapagkat sila ay nagsisikap para sa kanilang buhay kung kaya may natatamasa silang biyayang tunay. Kung sa kanila ay may matira at maaalala ka ay siguradong may nakakamtan ka. Ngunit kung wala, ay magpasensya ka. Humihingi ka lamang at wala kang karapatan na magdamdam at managhili sa kanilang pinaghirapan. 

Kung kaya naman ikaw ay nalibang sa iyong buhay, sa kakaantay mo sa biyayang iaabot sa iyo ng kapwa mo. Nakalumutan mong magsikap at gamitin ang iyong sariling lakas, lakas na sadyang nasayang lamang at di na maaaring ibalik mangyari ay ano pa - man. 

Hindi mo napansin ang tunay na biyaya ng Diyos para sa iyo, sapagkat ang kinakausap at dinadaingan mo ay ang mga Santo. Mga santong nililok ng mga kamay na mainam katulad kong tao na sadyang nilikha din lamang. Ano ang iyong makakamit sa bawat iyong sinasambit, kung ang iyong sinasambit ay di naman naririnig. 

Ang tunay na Diyos ay makapangyarihan, iyan ay iyong nalalaman. Sapagkat nalikha nya ang iyong buhay maging ang langit, lupa, karagatan, o maging ang ating kalawakan. Kaya naman ano't ikaw ay nakikipagpanayam sa mga bagay na nilagyan ng larawan?

Lagi mo rin namang tatandaan na ang iyong kapwa ay wag mong papanaghilian, lalo't higit sa pagdating sa iyong sariling pamumuhay. Gawin mo ang trabahong nakaatang sayo habang ikaw ay may lakas na gawin ang mga ito. Sapagkat tunay na tunay na di mo na magagampanan ang bawat iyong katungkulan kung ikaw ay isa na ngang matandang hukluban.

Hayaan mo ang iyong kapwa kung ano man ang kaniyang marating, sapagkat siya ay nakarating dahil sa sya ay gumawa rin. 

Kung ikaw ay wala talagang mahanap na trabaho, itanong mo sa sarili mo, ano ba ang alam ko? At iyong malalaman ang iyong kasagutan at ikaw mismo ang makakalikha ng iyong pagkakakitan. Wag mong masasabi na wala kang abilidad o talento, sapagkat biniyayaan ng Diyos ng utak ang bawat isang tao. Kung sa akin ay sasabihin mo na wala kang talento, ay para naring  iyong sinabi na walang laman na utak ang iyong ulo, kung ikaw ay di makakaisip ng bagay na kaya mo at makakatulong sayo.

Ang bawat tao ay iba - iba kaya wag kang gumaya. Wag mong alamin ang kaya nilang gawin, kundi ang iyong alamin ay iyong sariling kayang gawain. Wag mong piliting pantayan ang sa ibang kakayahan, iyong pag inaman ang sa iyong taglay na kaalaman.

Wag ka ring mahanap ng tao na sisisihin mo, sa tuwing ikaw ay malungkot at di makuntento. Ikaw ang pumili ng iyong kalagayan. At umiyak ka man at magdusa ay di nila mararamdaman. Ikaw lamang ang nakakaramdam ng sakit, kaya ikaw lamang ang may kakayahang alisin ang pait. Iwan mo na ang sakit sapagkat ito ay walang idudulot na tamis. At ang taong laging may hinagpis ay ang taong walang inibig.

Ngunit lalo't higit na tunay at totoo, na huwag mong isisi sa Diyos ang mga pagdurusa mo. Sapagkat ang Diyos ay laging nakaalalay sayo, saan ka man magtungo. Ngunit kung siya ay tatalikdan mo ay wala syang magagawa dito. Ang tao ay binigyan ng Diyos ng kaniyang kalayaan. Kalayaang mamili ng kanyang landas na daraanan. 

Kung ang Diyos ang masusunod paniguradong may gantimpala ka kung ikaw ay sumunod. Ngunit kung ikaw ay sumuway sa kanyang mga utos, sigurado rin naman ang parusa na sa buhay mo ay ikaw ang nagdulot. 

Tumingin ka sa salamin, sino ang iyong nakita? Hindi ba't ikaw lang at wala nang iba pa? Kaya naman ikaw lang ang may magagawang paraan sa bawat iyong suliranin at mga kalungkutan. 

Ngaun ikaw ay magsimulang tumindig, at ikaw din ay mag - isip, anong klase ng buhay ang isasalamin mo, sa mga magiging bagong henerasyon na itinakdang lahi mo at sa bawat ibang tao na nasa paligid mo?

-wakas-

Kilalanin kung sino ang nasa likod ng akdang ito sa Mysterious me



Kung nais mong umorder ng aking produkto bisitahin ang@furious corazon's products


Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal




No comments:

Post a Comment

Yesterday

Yesterday is a past, I put it all in the dust Yesterday is just like that  And now I'm not like that  Yesterday is my mistake  Now yeste...