Ako man ay hindi maunawaan nino man
Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang
Ang tunay na nagbibigay sa akin ng kaligayahan
Kahit na anong hirap at hapis ay aking tiniis
Sapagkat alam ko na ang aking Ama ay nakamasid
Sa bawat pighati na aking nakakamit
Ang tanging panlunas ko ay ang aking pag - ibig
Pag - ibig sa aking sarili na tunay kong nabatid
Oo maraming nagnanais na maangkin ang aking puso at ang aking pagtitiwala ay makuha ng buo
Nangangako na sila ay tapat at totoo
Ngunit sapat na ba ito upang ako ay magpabuyo?
Para sa akin ay walang karapatdapat na humigit at sumapat sa pag - ibig na sa aking sarili ay aking inilalapat
Kay sakit na isipin na ano man ang iyong gawin ay Kay hirap abutin ang resulta na ninanais
Ang bawat kong pagsisikap ang makakamit ko ba ay ano?
At ang bawat makakamit ko, inilalaan ko ba ito para kanino?
Sinong tunay na makatutupad sa aking hinahangad?
Kung ang bawat ialok nila sa akin ay mainam lamang sa pangbungad?
Ang bawat patimpalak ay may nagwawagi at natatalo
Ngunit hindi mahalaga kung ilang beses na akong natalo
Ang mahalaga ay kung ilang beses na akong bamangon at muli ay sumubok
Ang nagwawagi ay hindi umaayaw at ang umaayaw ay hindi nagwawagi
Kaya naman hindi ako umaayaw
Sapagkat kapag ako ay umayaw ay hindi na ako magwawagi
Ako man nga ay hindi manalo, ang tunay na mahalaga ay lumaban ako sa abot ng lakas at ng makakaya ko
Pumanaw man ang buhay kong ito ay alam ko na ako ay lumaban hanggang sa huling hininga ay taglay ko ang karangalan
Masakit isipin na kung sino pa ang mga taong minamahal at pinahahalagahan mo ay sila pa ang maglulubog at sisira sa iyong mga plano
Ngunit ang bawat sakit na nadama at nakamit ko, ay ang naging pundasyon kung bakit ngayon ay matatag ako
Ano nga ba ang mahalaga, ang sinasabi ng iba o ang tingin sa akin ng aking Ama?
Husgahan man ako ng maraming tao
Panduraan, pandirihan, pagkatuwaan at ipangalandakan ang mga maling paratang sa aking katauhan ay kanila mang pinag - uusapan
Ako ay ako at walang magbabago alam ko ang gusto ko at mga bagay na ayaw ko
Di man ako kayang tratuhin ng mainam ng lahat ng tao, sa puso ko ay walang tampo sapagkat sila ay nauunawaan ko
Ako man ay masaktan, di ko kayang manakit upang gumanti lamang
Igawad mo man sakin ay palaso, pag - ibig ang ibabalik ko sayo
Wala akong inalipusta na sino man sa buhay ko
Wala akong inapi kahit na isang insekto
Wala akong nilalamangan na sino mang nilalang sa buhay ko
Ngunit sa kabila ng bawat kabutihang ipinagkaloob ko, pait ang syang isinukli sa aking buhay at aking pagkatao
Mahirap isipin na alam mong kaya mo, pero ang lahat ay sinusukat ang galing mo at gagawa ng paraan upang masira ang iyong mga plano
Ang nais ko lamang naman ay makita na maayos ang mga anak ko
At sa ibang tao ay makatulong din ako
Ngunit bakit kay hirap matupad ng mga simpleng pangarap?
Masisisi nyo ba ako kung ako ay nagbago sapagkat binago ninyo ang tiwala na ibinibigay ko
Sinaktan ang aking puso at sinira ang aking pagtitiwala
Ano ba ang iyong nakamit sa iyong pagbibigay sakit, sa isang taong tahimik at walang alam kundi ang magbigay ng pag - ibig
Sana ay malaman mo na ako ay walang tampo
Sana malaman mo na masaya na rin ako
Sana ay malaman mo na malaki ang naitulong mo, sa pagbabago ng buhay at ng aking pagkatao
Sana ay maging masaya ka
Sapagkat hangad ko ay maging maligaya ka
At sana ay mapatawad mo ako sa mga bagay na di kayang ibigay ng kakayahan ko bilang tao
Ang masasabi ko lamang ay salamat sa iyo
Maraming maraming salamat sa lahat ng pagsubok na sa akin ay humubog at nagbigay kulay sa aking buhay
Ngaun ay heto na ako mas matalino, mas mailap at masmatapang
Ang lahat ng ito ay dahil sa mga pinagdaanan ko na sa ngaun ay malaking pinasasalamatan ko
Kaya salamat, salamat, maraming salamat sa inyo
- Ang Wakas -
-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari mong bisitahin dito sa Learn World Lessons
Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal
No comments:
Post a Comment