-Paalala-
-Patnubay ng magulang ang kailangan-
-Ang artikulong ito ay maaaring naglalaman ng mga sensitibong salita na maaaring di maunawaan ng isipang bata-
Ang anumang pangyayari o mga bagay bagay na nakasaad ay walang pinatatamaang sinuman ito ay isinulat lamang para makadagdag kaalaman at hindi upang makipagdebate o makipag argumento-
_____________________________________
At doon ay aking napagtanto na ang akin palang mga paghahapis at sakit ay tunay na tunay ngang kulang na kulang pa at hindi pa sasapat upang ako at maging tunay at ganap na mangangaral.
Hindi ko pinili ang landas na ito, dahil ito ay ang landas na itinakda ng Diyos sa akin, upang aking bagtasin. At hindi ko kayang tanggihan ang katungkulang sa akin ay kaniyang iniatang. Sapagka't ako ay kanyang alipin at kailanma'y hindi ako makatatanggi sa kanyang gawain.
Kahit gaano man kasakit ang aking mga pinagdaraanan, Alam ko na ang lahat ng bagay ay may dahilan. Ako man ay naghahapis Alam ko na ako ay lalo pang maghahapis sa bawat panahon na paparating sa akin.
Alam ko na bilang isang mangangaral, mangangaral ng liwanag ay kinakailangan kong dumaan sa kadiliman upang magtaglay ng liwanag sa mga taong nasasadilim.
At gayun din naman na ako ay nahihirapan sa bawat daang aking nilalakaran. Oo ako'y ginagabayan at hindi pinababayaan; ngunit dahil ako ay isang tao na nasa loob ng lupang katawan, na mahina, marupok, at nasasaktan, may pakiramdam at may pangangailangan, may pagkagutom, may pagkauhaw, may mga pagnanais at mga pagnanasa. Ang bawat pita ng aking laman ay kay hirap kong labanan sa tuwing ako ay dadaan sa landas ng kadiliman upang magkalat ng kaliwanagan.
Sa bawat tao na nagbabasa ng mga sulatin ko, taglayin lamang ninyo ang aking mga aral ayon lamang sa inyong kakayahang umunawa. Huwag ninyong pilitin na unawain ang hindi ninyo maunawaan. Huwag ninyong hangarin ang mga bagay na hindi nyo dapat hangarin. Sapagkat pag hinangad ninyo ang tulad ng kaalaman na ipinagkaloob sa akin na makapangaral ng tunay; tunay na maging ganap na lingkod ng Diyos, sinasabi ko sa inyo na totoong totoo at katotohanang katotohanan, na kayo ay dadaan sa lahat ng klase ng pagsubok, sakit, pighati, hapis at pagdaramdam. Ang lahat ng ayaw ninyong pagdaanan ay inyong pagdadaanan.
Sapagka't walang isusulat ang inyong mga kamay sa papel na inyong hawak kung kayo ay walang pinagdaanang karanasan. Na siya namang pag aaralan ng bawat mamamayan na magbabasa ng bawat ninyong mga katha.
Ngunit kung inyo namang nais na mangaral ng tunay; ay inyong ihanda ang inyong sarili sa bawat mga pagsubok, sakit, pighati at pagdurusa, kapalaluan at kabuktutan, kawalang hiyaan at kahatulan, pagtatawa, pangungutya at panghihiya ng mga tao na darating sa buhay ninyo.
At huwag ninyong sukatin ang mga bagay na inyong pinagdaanan nung mga nakaraang panahon. Sapagkat ang mga nakaraang panahon na inyong pinagdaan, ay walang saysay sa mga hirap at sakit na inyo pang titiisin sa mga darating pang panahon. Upang kayo ay magtagumpay bilang isang mangangaral, manunulat, at bilang isang ganap na lingkod ng liwanag.
Kaya naman, ihanda mo ang inyong sarili sa mga dilim pa na paparating sa inyong buhay. Sapagkat ninais mo na mangaral at magmahal sa mga taong kailanma'y hindi ka mamahalin at susuklian sa bawat bagay na inyong ginagawa.
"Ang bawat letra na inyong mababasa ay hindi na nagmula sa akin. Ito ay nagmula sa pahina ng bibliya na siyang magpapatunay sa aking bawat salita."
ECLESIASTES;
O, ANG MANGANGARAL
Ang mangangaral ay nagsasabing ang lahat ng bagay ay nalang kabuluhan.
1 Ang mga salita ng mangangaral, na anak Ni David, hari sa Jerusalem.
2 Walang kabuluhan ang mga walang kabuluhan, sinasabi ng mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ng walang kabuluhan.
3 Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kanyang mga gawain, na kanyang ginawa sa ilalim ng araw?
4 Isang salin ng lahi ay yumaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating ; ngunit ang lupa ay nananatili magpakailan man.
5 Ang araw naman ay sumisikat at ang araw naman ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.
6 Ang hanging ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit.
7 Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayun may hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.
8 Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao; ang mata ay hindi nasisiyahan ng paningin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.
9 Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.
10 May bagay ba na masasabi ang mga tao, tingnan mo, ito'y bago? Nayari nga sa mga panahon na una sa atin.
11 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos.
12 Akong mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.
13 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat ng mga nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Diyos sa sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan.
14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at narito lahat ay walang kabuluhan at nauwi sa wala.
15 Ang baluktot ay hindi matutuwid; at ang kulang ay hindi mabibilang.
16 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, sinasabi ko, Narito, nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan na higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem: Oo, ang puso ko'y nagtataglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman.
17 At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at kamangmangan; aking nahalata na ito man ay nauwi sa wala.
18 Sapagka't sa maraming karunungan ay maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa karunungan ay nananagana sa kapanglawan.
Ang lahat ng ito ay di sa aking bibig nagmula. At ang kathang ito ay naisulat bago pa man ang buhay ko ay nagsimula. Kung kaya naman aking napapatunayan na ang bawat katagang kaniyang itinuran ay puno ng katotohanan, at ako bilang saksing buhay ay nagpapatunay na tunay ang itinuran ng haring nagsulat ng akda na nasasabi. Sapagka't ako mismo ay dumaan sa hirap ng pagsubok bago ko nakamtan ang aking kaalaman.
" O tunay ngang Ama na ikaw ay dakila; at ikaw ay kahanga hanga. Oh! Kay ganda ng inyong bawat likha. Aking pinsasalamatan ang bawat hirap at hapis na aking pinagdaanan. At kung ako man ay papipiliing muling bumalik sa aking kamusmusan; ay hindi ko nanaising baguhin ang aking lahat ng pinagdaanan. Pipiliin kong maghirap kasama ka, kaysa maging maligaya kasama ng mga tao sa sanlibutan.
Sapagka't sayo ang karangalan at kapurihan magpakailan pa man. At ang makasama ka ay walang kasing tamis na katamisan sa bawat kabiguan.
-Kung nais mong makilala ang nasa likod ng akdang ito ay maaari kang bumisita sa link na ito : Learn World Lessons -
Maraming salamat at sumainyo ang pagpapala ng maykapal
No comments:
Post a Comment